Ang hirap magsulat. Lalung mahirap din magbasa. Initially makakaramdam ka ng social media withdrawal. Yung parang ayaw mo na muna basahin yung mga titik at talata na hindi pabor o ayon sa gusto mong karanasan. Parang ang hirap buksan uli ng Twitter, ang Facebook. Kahit celphone na kanina pa may nag-aantay na message at nagtatanong na isang kamag-anak na nasa trabaho kung ano na score.
Mainit ulo ko. Sinong hindi. Siyempre sobrang hirap kaya manalo. Obvious naman. Kung pwede lang naka-video game mode yung lahat ng players natin, panigurado yung lang paraan na matalo natin yung China, convincingly. Kaso sobra tayong inalat. Wala pa d'yan yung mga bagay na kontrolado ng host. Well...
Ang hirap matulog nito. Yung consolation ko nalang eh, hindi nag-tantrums yung five year-old ko. Nagulat ako at inunahan na ako: "Tatay, I'll just make you happy." He smiled at me. Then he gave me a hug.
Settle down a little bit. A lil'more time. Maybe one more sip of that drink in your hand. Then breathe.
Natapos din Fiba Asia 2015. Smile naman d'yan! Nag-enjoy naman tayo. At yung maganda n'yan eh hindi naman inasahan ng marami na maka-podium finish tayo. How much more maka-gold.
Smile nalang. Good vibes pa din. Panandalian lang yang sama ng loob. Yung inis. Dapat mangibabaw yung pasasalamat.
Umpisa palang 'to at panigurado madaming mabuting pagbabago ang magaganap sa Philippine Basketball. Lalu sa PBA. Maraming puna na hindi magaganda sa pakikitungo ng PBA sa pagbuo ng Gilas. Pero marahil marami din tayong hindi alam sa likod ng tabing. Let's see in the coming days.
Sa ngayon, Maraming Salamat Gilas Pilipinas. Ipinakita n'yo na sa kabila ng maraming pagsubok at paghihirap para mabuo ang Gilas 3.0, eh nagkaroon tayo ng "Chansa sa Changsha". Salamat kay Coach Tab at sa kanyang mahuhusay na kanang kamay. Ibang klase ang trabaho na ibinuhos n'yo para sa bayan. Matulog naman kayo.
Sainyo Dray, Jason, DonDon, Asi, JC, Terrence, Matt, Del, Ping, Sonny, Calvin at Gabe: Maraming Salamat sa pagtugon at paglaban para sa bayan!
Comments
Post a Comment