It's an historic game 7.
And almost every party involved were asked for a word or two.
They were saying bonuses not as important as the prestige of coming back from a 0-3 quagmire.
The other team saying they've never been motivated to finish off what they have started.
But one thing for sure is left in the dark. Literally all by their lonesome at the rafters.
Yes, we're talking about the balloons. Opo, ang mga lobo na sintagal na ni Senator Juan Ponce Enrile sa pulitika eh hindi pa din nabigyan ng pagkakataon na mapakawalan. Ma-set free, ika nga!
Kaya't ano pang hinihintay natin? Kunin na natin ang kanilang panig.

#labapilipinas (#LP): Hello po, kamusta kayo dyan?
LOBO: (Sabay-sabay na nagsagutan) Ano ba naman!..May forever sa pagiging lobo!?...p@#!..Pwede bang mag-backout nalang?...This is not what was promised to us...I thought I'd fall right away hindi pala!?!...Paasa...
#LP: Woops...Wait guys! Isa-isa lang! Am sure, sa tinagal-tagal n'yo dyan sa itaas eh napagtanto n'yo nang mag-create ng Balloons Union, tama ba? Kung tama ako, yung presidente or spokesman n'yo nalang ang siyang tagapagsalita, okay?
(Lumapit ang asul na lobo.)
#LP: Oh, so kayo po pala. Hmm, blue. Hindi ba taga Talk N Text ka? Pwede rin Blackwater, parehas lang naman yun diba? Pano ka napasama dyan eh Alaska at San Miguel 'tong nasa Finals.
LOBO: Tumahimik ka d'yan. Kelangan nila ng neutral color, so ako na yung napiling maging presidente. Wag kang mag-alala, malapit na matapos ang term ko. O, anong problema mo?
#LP: Uhm, wala naman sir.
LOBO: Sir ka d'yan. Ano tingin mo sa akin, lalake?
#LP: Ooops, sssorry, uhm.. O siya, tagapagsalitang lobo (ang arte nito). Kamusta po kayo? Napansin kasi ng karamihan na sobra na po kayong nabitin dyan? Nag-umpisa kayo sa ULTRA tas kala n'yo babagsak na kayo sa Araneta, ngayon andito na po kayo sa Mall of Asia Arena. Wow, ibang klase byinahe nyo!
LOBO: Ang hirap maging lobo. Ang hirap umasa. Ang hirap mag-fall! (Sabay humagulhol ala-Nora Aunor...)
#LP: I'm sorry to hear that. I understand how you feel. Sa tingin n'yo po, bakit umabot nang ganito ang sitwasyon?
LOBO: Eh kailangan eh. Kita mo naman na hindi mag-SRO ang PBA Finals. Buti sana kung nakapasok yung Ginebra. Lecheng mga referee kasi, dapat tinawagan ng 5 seconds violation yung Globalport.
#LP: Uhm, kahit naman po nanalo yung Ginebra nun hindi naman assured na pasok pa din agad sila ng Finals diba? Anyway, move on na tayo dun, let's live the present and mukha naman pong very exciting 'tong match na 'to. Sobrang ma-drama nga eh. Akalain nating makakabalik pa pala si JuneMar! And this is a historic game 7!
LOBO: Kaya nga tuwang-tuwa yung mama dun oh! (Sabay paturong-nguso kay Kume.)
#LP: Ah, uhm, siyempre naman po. Buti po hindi pa kayo naduduro ni Kume? Shhh, wag n'yo po ko isusumbong mamaya pagkababa n'yo ha? Alam n'yo naman si Kume.
LOBO: Madalas nga yung hintuturo nyang naka-asinta sa kinalalagyan namin. Yun eh kapag wala nang tao. Pagkatapos nung game 4. Nakaturo siya sa amin at nakangiti. Ewan, parang may pinapahiwatig. Kala nga namin babagsak na kami nung araw na 'yun. Ang hirap kaya ng nasa ere. Kaya nakaka-relate na kami dun sa mga players na 48 years bago makuha yung kanilang mga sweldo! O yung mga umaaasang sasagutin ng "oo" pero basted pala sa huli.
#LP: Uhm, no comment po ako d'yan sa delayed salaries. Yung sa lovelife eh, atleast nagmahal kayo diba? Di bale po. Panigurado, babagsak na kayo ngayong araw. Unless may bagong revised rules na ilalabas ang PBA Board bago mag-jumpball para gawing Best of 11 ang series na 'to?
LOBO: Isang malaking katatawanan yan pag nangyari. Tama na yung naging PBA player si Pacquiao! Wag na wag nilang gagawin yan kung 'di mauubos na ang helium namin! Ano, matagal pa ba 'to?

#LP: Huling katanungan na po. Sino po sa palagay n'yo ang mananalo? Mukha po kasing hindi kayo para sa Alaska at tatlong pagkakataon na po eh ayaw kayong pabagsakin, diba?
LOBO: Intrigero ka din ano? Akala ko labandero ka lang. Hmm, magandang katanungan yan, at napagusapan din namin yan sa unang pagpupulong namin bilang bagong tatag na samahan ng mga lobo. Sa ngayon eh, bahala na. Kahit sino pwede. Maganda rin kasi na matapos ng Alaska ang nasimulan nila. Pero okey din kung San Miguel. Di biro din yung pinagdaanan nila diba?
#LP: O'nga po eh...Ma...(biglang sumingit uli ang lobo, hindi pa pala siya tapos)
LOBO: ...Tas historic championship pag nagkataon. Mababago na nila yung mga ka-ek-ekan ng mga "analyst" na magagaling sa stats. Dati 100% daw ng nalulugmok sa 0-3 eh hindi na muling nakakabalik. Ngayon, mukhang hindi na bokya yung ganung percentage. At sana hindi na din maulit yung ganito. Para na din sa kapakanan ng mga uring-lobo, hashtag pray for the balloons! Hindi naging madali ang paglalakbay namin. Nevertheless, gusto namin iparating sa whole world—the universe rather—that we're confidently...
#LP: Naaks..."beautiful"! Mumi-miss universe din kayo ah!!!
LOBO: O siya, layas na at baka ikaw pa maunang bumagsak kesa sa amin.
#LP: Maraming salamat guys. Mukhang start na warm-up!
(end of interview)
... follow @labapilipinas on twitter for more sports laundering!
Hola me ha molado esta nota, espero haber cogidobuena nota,
ReplyDeleteme encantan los masajes y deseo verte proximamente me
quedo husmeando alguna mas, me apunto a esperar las novedades, muchas muchas gracias