Skip to main content

May Chansa Sa Changsha


The Dirty dozen is out.

Are we surprised? Maybe not. Yung iba, siyempre hoping na napasama yung mga manok nila. Well, of course Jordan Clarkson could've been the surprise of all surprises had he made it to the Final 12.

So, kaya ba?
I want to believe, yes. Kaya natin yan. Okay 'tong line-up ni Coach Tab. Walang pabebe dito. Lahat dito kayang makipag-palitan ng mukha. Kahit sino handa nang isabuhay ang mga katagang "ang mamatay nang dahil sa'yo". Sa pratice palang, pucha, pamatay na yan for sure. Lalu na sa mismong FIBA Asia game day.

Andyan pa din yung mga punang: Ay dapat si June Mar Fajardo andyan. O di kaya'y Gurang na si Asi at Don Don, anu ba yan?!. At mga walang kamatayang pagsusumamo na sana si Paul Lee nalang, bakit wala si Lassiter?! Move on na tayo mga ka-fans. Hayaan na natin sila na hindi tumugon sa tawag at hamon ng Gilas. We can't help but compare these 12 to the most famous 12. Para silang mga disciples ni Jesus Christ noong panahon. Bakit, yung mga "chosen ones" ba ni Jesus noon ay yung mga pinakasikat sa Nazareth? Sila ba yung mga pinakamatalino na lalaki noong panahon. Malamang hindi nga. Pero sila yung tumugon. The mere willingness to answer the call was the sole prerequisite then. Ganun din sa Gilas. Many were called (very disappointing that some didn't even bother to show up). Now the twelve are chosen.

For now let us all live in the present and leave all the other issues behind. Magtiwala tayo sa piniling labingdalawa. Let's rally behind them. We are thankful for this dozen of brave warriors preparing for one hell of a battle. With the sole objective of bringing home the gold and make it to Rio next year.

Laban Pilipinas! Puso!

... follow @labapilipinas on twitter for some sports laundering!

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Interview with the Lobo

It's an historic game 7. And almost every party involved were asked for a word or two. They were saying bonuses not as important as the prestige of coming back from a 0-3 quagmire. The other team saying they've never been motivated to finish off what they have started. But one thing for sure is left in the dark. Literally all by their lonesome at the rafters.

Easy, Easy.

I'm not sure a lot would remember Lionel Richie's classic song Easy and its opening line: Know it sounds funny But I just can't stand the pain... 

SANA Ma Beach!

Mas mabuti yatang tumigil nalang sa pagsuporta sa koponan ng bayan. Mas mainam yata na manisi nalang. Mangutya nang lubus-lubusan. Mang-asar at sabihing mali sila. Tanga si Coach Tab at tinanggal si Abueva. Dapat pinaglaro si ganito. Dapat ginawa yung ganyang play. Dapat tinira na ni Chan, bakit pinasa pa. Dapat sa ilalim lang si Blatche. Dapat hindi si Blatche yung naturalized player natin. Sana hindi tayo yung first game kahapon. Sana nagpahiram yung ibang team noong Fiba Asia nung nakaraang taon. Sana pwede si Clarkson. Sana nanalo tayo sa France. Sana hindi nalang natin ni-boo yung Haka ng Tall Blacks (malas daw kasi na i-boo). Sana nilakasan pa natin yung sigaw. Sana hindi lang "De-fense...De-fense" yung alam nating i-chant. Sana hindi nalang tayo naging fans. Sana'y pag-ibig nalang ang isipin... (Teka, anong linya 'to?)