Powtek, parang si Calvin Abueva lang di ba? Para ngang G.I. (I mean yung yero; well, sa totoo nyan, yung erpats nya din yata, tama ba, Mr. Sweeney?)
Pero siyang siya nga talaga si The Beast. Parang yero. Ang ingay sa court. Kahit nga sa sidelines hindi matahimik. Nakakatakot makasalubong sa court. Kundi yari ka.
Doubters & Believers
Doubters & Believers
It’s fun to watch and realize that Abueva is finally on our side. Many doubted that he can’t be himself in the international stage. Pero ganun pa din eh. The same people perhaps who doubted his abilities as soon as he turned pro not too long ago. He was literally beasting in the NCAA. Lighting up the stats sheets like no other. But can he transpose that to the pros? Of course alam na natin yung kasagutan. Pano ba naman halos saktong 6’2” lang eh pero kung maglaro pang-6’11”.
Where does he get his energy from? He better be replacing the non-stop bunny of Energizer’s. Matagal na nilang mascot yun, sa malamang pagod na yung bunny. Eh si Calvin, hindi napapagod. Are you drugs, mehn? (Biro lang, boy!)
Where does he get his energy from? He better be replacing the non-stop bunny of Energizer’s. Matagal na nilang mascot yun, sa malamang pagod na yung bunny. Eh si Calvin, hindi napapagod. Are you drugs, mehn? (Biro lang, boy!)
Effort na Nagkatawang-Tao
Si Calvin yung “effort” na nagkatawang-tao. Grabe yung sipag nung mama! What he lacks for height, he makes up for speed. What he lacks for heft (especially sa International games), he makes up for smarts, outwitting the opponents. We saw this in the recent Jones Cup. He doesn’t waste the chance and trust given to him. Of course there were letdowns when he picks up fouls early on (whistles that are supposed to be non-calls in the PBA, o baka ginoogle siya nung mga Jones Cup referees and learned about his “reputation”). Pero siyempre, iba ang kalakaran at tawagan sa FIBA rules. But one thing sure is Abueva tries to make the best of every playing opportunity given to him. For instance scoring 15 points in 11 minutes. Ridiculous, right? Ano yun sa bawat minuto na nasa court siya dapat palagi siyang nakakapag-ambag ng puntos para sa Gilas?! Ibang klase!
Itodo Mo Din!
Malaking inspirasyon nga itong si Calvin sa ating mga Pinoy. We need to be “beasting” sa mga bagay na ipinagkatiwala sa atin. By being “beasts” eh yung mabuting pangahulugan. (Versus dun sa ibang “beast” dyan na mga gahaman at kurakot!) We should make the best and the beast of every opportunity given to us. Maging trabaho man yan. Jowa. Bagay. Pamilya. At mga mahahalagang pagkakataon sa buhay. Kailangang-kailangan yung “effort” na palaging ipinapakita. Pinadarama. Ibinubuhos nang todo!
Malapit na ang FIBA Asia 2015. Malamang sa hindi eh, kasama ‘to si Abueva sa Final 12 ni Coach Tab. Kaabang-abang ang mga susunod na kabanata. Nakakatuwang malaman din sa kanya na sobra siyang masaya na isuot ang mga kulay ng ating bandila. Yan ang tunay na manlalaro. Hayop magmahal sa bayan!
Walang atrasan. Laban Pilipinas. Puso!
... follow @labapilipinas on twitter for some sports laundering!
👍👌 Nice one
ReplyDeleteSalamat!
DeleteIDGAF attitude! Tuloy mo lng yan idol!
ReplyDeleteOhyeah! \m/
ReplyDelete