Skip to main content

Tatak Standard, Tibay Standhardinger

Tapos na Jones Cup 2017 at masaya tayo’t buhay na uli ang pambansang koponan (at siyempre ilang kembot nalang #FIBAAsiaCup2017 na rin). Pero may nagtanong, “Pare, sino ba yung bagong Fil-Am dun sa Gilas?”

Siyempre excited naman akong nag-reply, “Ah, tubong Germany yun, brad, pero Pinay ermats nya! O'sha, at magsasampay pa ako.”

Naku, humirit pa uli yung kausap ko, “Ahhh, GERMANY pala yung bagong Fil-Am natin! Astig pare! O siya, byahe na ako!”

😳  😱 😂 😜

Siyempre alam na ng lahat ang tinutukoy natin dito. Sino pa kundi ang matagal nang pinaguusapan ng mga chismoso sa basketball patungkol sa isang Gilas prospect na Fil-foreigner—o Fil-German (o Fil-Germ, walaaang tulugan! Basta wag na yung "Fil-Am na Germany, este, German" ha? 😜 ).

Walang iba kundi si Christian. Si, uhm, Christian...
—Standard...

Uhm, Stand-ha…

Christian Stan…

...Bautista, punyemas! 😤 Basta may mala-Rey Langit na “ngerrr” sa dulo. Ano ba naman kase, ang haba eh at sala-salabat ang mga titik. Hindi nalang ginamit yung "Hermoso" na apelyido ng Nanay nya!

Teka, magkaroon nga muna tayo ng maikling pag-aaral paano bigkasin ang apelyido ni Christian.

Kung mapapansin natin sa mga alingasngas sa social media, samu’t sari ang mga hindi wastong pagbabaybay ng apelyido ni Christian. Meron dyan:

Standinger.

Stardinger.

Hardinger.

Standerwariwapbaduwap.

Standercats.

Standinggerzi!

Pansin naman natin kahit ang mga beteranong sportscaster eh, sobrang nag-effort din mabigkas nang maayos at wasto ang kanyang pangalan. Minsan nga nag-slowdown pa sila sa pag-sambit. May ibang sumasabit pa rin. At sa haba ng kanyang apelyido sa malamang nagrereklamo din ang gumagawa ng uniporme ng Gilas. 😜

So pano nga ba. Para hindi tayo malito. May apat na syllables o pantig na nahahati sa ganito:

STAND—HAR—DIN—GER

May kahabaan di ba? Kaya't kailangan ng ibayong effort. Huminga. Rumelax. Magpa-parlor. Magpamasahe. Ayan. Ready?

Sa unang atake pagsasabayin mo na agad yung dalawang pantig. Kaya't bibigkasin mo: “Stand Hard” (Tandaan, parang sinabi mo lang nang matikas, nang may angas: "Tumayong Matigas!" Wag lalambot-lambot! Stand hard! Sakto din dun sa player na'to eh, noh?) 💪

Sabay susundutin mo ng mala-doorbell na tunog ng: “Diiing” (Wag na dudugtungan ng "Ang bato!" kung ayaw mong ma-tokhang.) 😱

At tatapusin mo ng mala-beking bitaw ng: “Gurrr” (Korek, parang sinabi mo lang yung favorite na tawag mo sa tropa mo, “Hoy gurl, pautang nga!”) 😁

So ganun lang. Andaling tandaan. Ulit-ulitin at sigurado makakabisado mo rin!

Ngunit kung gusto mong mas makasiguro, maari mong gayahin si Christian sa saktong pag-pronounce ng kanyang apelyido dito.

Nevertheless what's more important is the name written on front of the jersey, than the one at the back. Ohyeah! 😎

...follow @labapilipinas on twitter for more sports laundering!

Comments

Popular posts from this blog

Interview with the Lobo

It's an historic game 7. And almost every party involved were asked for a word or two. They were saying bonuses not as important as the prestige of coming back from a 0-3 quagmire. The other team saying they've never been motivated to finish off what they have started. But one thing for sure is left in the dark. Literally all by their lonesome at the rafters.

Easy, Easy.

I'm not sure a lot would remember Lionel Richie's classic song Easy and its opening line: Know it sounds funny But I just can't stand the pain... 

SANA Ma Beach!

Mas mabuti yatang tumigil nalang sa pagsuporta sa koponan ng bayan. Mas mainam yata na manisi nalang. Mangutya nang lubus-lubusan. Mang-asar at sabihing mali sila. Tanga si Coach Tab at tinanggal si Abueva. Dapat pinaglaro si ganito. Dapat ginawa yung ganyang play. Dapat tinira na ni Chan, bakit pinasa pa. Dapat sa ilalim lang si Blatche. Dapat hindi si Blatche yung naturalized player natin. Sana hindi tayo yung first game kahapon. Sana nagpahiram yung ibang team noong Fiba Asia nung nakaraang taon. Sana pwede si Clarkson. Sana nanalo tayo sa France. Sana hindi nalang natin ni-boo yung Haka ng Tall Blacks (malas daw kasi na i-boo). Sana nilakasan pa natin yung sigaw. Sana hindi lang "De-fense...De-fense" yung alam nating i-chant. Sana hindi nalang tayo naging fans. Sana'y pag-ibig nalang ang isipin... (Teka, anong linya 'to?)