Hello mga ka-fans! Alam ko matagal akong nawala. Hindi na yata uubra ang palusot na santambak o ga-bundok na labada kaya’t wala ako sa mundo ng pagba-blog. Hmmm, subukan ko kaya ang ganitong dahilan: “I had to go on a secret trip!”
There. Mas kumbinsing pa kay sa Motolite, hindi ba?
So, tumuloy na tayo sa ating palatuntunan. Dahil ilang kurap nalang at PBA Commissioner’s Cup Finals na naman, kaya’t pumili tayo ng makakapanayam. (Wow, did that just rhyme?!)
Hindi na siya bago sa atin at naging laman na rin siya minsan ng blog na ‘to (pakisilip nalang po ng kuwento dito). Wala nang patumpik-tumpik pa, tara na’t pakinggan ang ating interview:
#labapilipinas (#LP): Hello sa’yo, Arwind! Maraming salamat sa pagpapaunlak mo sa amin ngayon para dito sa interview. Alam ko busy ka sa paghahanda para sa nalalapit na PBA Finals n’yo laban sa TNT KaTropa.
Arwind Santos (AS): Maraming Salamat din sa pagkakataong ito. Nawa’y itong panayam ay maging isang umaga ng isang takipsilim!
#LP: Huh, uhm, sure. Teka. Aaah… 😵 (hindi ko alam pano i-segue yung sagot niya, sa totoo lang)
AS: Oh, ano na? Saan na tayo? Magsa-shower pa ako brad.
#LP: Ah okay. Pasensya na, medyo nabigla lang tayo sa lalim o di kaya’y rurok ng iyong talinhaga, uhm… Ginoong Santos… (shet, nahawa na yata ako ni idol, di ba parang parehas na kami ng tilamsik ng dila, …guys, help…) Ahhh, Arwind, kamusta naman ang paghahanda n’yo ngayong PBA Finals? Mukhang maganda ang match-up na ‘to ah. Mahigpit na corporate rivals ang SMC at MVP groups. At eto na nga, kayo pa ang mga magtatapat para sa kampeonato.
AS: Siyempre masaya at kami’y nabiyayaan na naman ng pagkakataon na makatuntong sa hagdan patungong tagumpay. Ito naman ang tanging hangarin namin, ang patuloy na makapagbigay pugay sa tiwala na ibinibigay sa amin ng Management, kay Boss RSA, salamat po. Ganun din sa aming SMC Sports Director na si AFC.
#LP: Totoo bang malungkot si AFC at hindi naging All-SMC ang PBA Finals? Eh lahat ng SMC teams pasok sa Semis, ta’s eto’t nasingitan pa ng TNT Katropa sa Finals casting?
AS: Ganyan talaga ang pagkakataon. Minsan hangad mo na masamsam ang lahat. Ngunit sa huli, tayo ay parang mga alipin ng tadhana na kailangang harapin ang umaga nang handa at bukas ang isipan sa anumang itinakda nito.
#LP: …. 😳
AS: …kung kaya’t masasabi natin na—oo—malungkot, may kurot sa pusong umaasa kung ilalapat ko ang aking mga paa sa sapatos na suot ni Boss AFC.
#LP: Aaah, uhm… 😱 (nag-iisip pa rin ng segue sa kasagutan ng Spider-Man)
AS: Pwede na bang bumati? Hello sa mga anak ko…
#LP: ...Hu—wait!!! Mamaya na ang greetings, may mga katanungan pa sana tayo. Uhm, ano naman masasabi mo sa mga sumusunod na match-ups na ‘to. Una, RDO versus YDO?
AS: Ahhh, magkarugtong man ang pusod nila, sa kahuli-hulihan ang may mas malaking puso ang mananaig! Siyempre kami yun. 6-9 si YDO. 6-6 lang si Del. Kaya’t sa wari ko mas malaki ang puso ni Kuya Yancy kasi malinaw naman sa mga tindig nila at timbang nila!
#LP: Ows, ganun pala yun. Ah, uhm, Semerad twins?
AS: Si Anthony at David ay siyang mga kambal na ilog na hindi maglalaon ay magkakahiwalay pagdating sa bungad ng karagatan! At nawa’y sa huli si David na siyang mananaig katulad ng paggapi niya sa higanteng si Goliath! Next?
#LP: (😨Anak ng… bumi-biblical ka pa..) Uhm, RR Garcia at Matt Ganuelas-Roser?
AS: Mga bagito’t bagong salta. Masaya ako at si RR ay may mahalagang gampanin na nitong mga nakaraang tagumpay ng TNT KaTropa. Subalit, may lihim na poot si MGR. Hindi man batid, ngunit sa pagkakataon na ang kanyang puwitan ay kumawala sa tanikalang upuan, asahan ang aming pananaig! Malaking tulong siya sa aming koponan.
#LP: Wow, ang intense nun idol, my gaaas, “tanikala!” Ohyeah, makibaka! Uhm, eh si Danny Siegle naman? Alam mo naman ang kuwento diba...
AS: Aba, sino bang hindi nakakaalam. Papunta palang tayo, si Dynamite Danny ay pabalik na. Malaki ang respeto ko sa kanya. Haligi siya ng SMB. Ngunit, magkaiba ang noon at ngayon. At malinaw na siya ay nagmula sa nakaraan. Ang kasalukuyan ay sadyang mas mahalaga. Ang kahapon ay pawang mga alaala!
#LP: 😳Uhm, ahhh, teka, nalilito yata ako sa mga talinhagang pampanahon! Easy lang, medyo slow tayo pagdating diyan.
AS: O ano, meron pa? Baka pwede na akong bumati? Live ‘to di’ba?
#LP: Ahhm, isa nalang promise. Kung kayo nga ang mananalo sa seryeng ito, ilang games niyo kukunin? May sweep kaya? Or will this PBA Finals go the distance which we hope na ganun na nga para sa ikatutuwa ng PBA fans?
AS: Ready ako, ready kami. Go the distance ba kamo? We won’t look back, we can go the distance. And I’ll stay on track, no I won’t accept defeat. It’s an uphill slope but I won’t lose hope. ‘Til I go the distance, and my journey is complete!
#LP: Huhhh, teka, parang pamilyar yata yang mga linyang yan, hindi ba yan yun lyrics ng…
AS: …hello nga pala sa mga anak ko; kay Audrey, Yona, kay Yogan, kay Jake, kay Ella…
Happy #PBAFinals mga ka-fans! 😜
Happy #PBAFinals mga ka-fans! 😜
...follow @labapilipinas on twitter for more sports laundering!
Comments
Post a Comment