Skip to main content

Seaba Ang Dahilan?


Siya nga ba? Seaba talaga?! O, siya!

Oops, wait. Relax. Balita ko mainit na naman ang ulo ni Kume. Fine!!! (Kulang pa ba?). Naaah, mainit kasi sa kabila ng katakot takot na adjustments na ginawa ng liga para sa ating pinakamamahal na national team eh ano't nabago na naman pala ang schedule ng SEABA (Southeast Asia Basketball Association). Alam naman nating isa itong napakahalagang torneyo kung saan isang slot lang ang nakalaan para sa ating zone upang makapaglaro sa Fiba Asia Championships.

Dalawang bagay upang malagay na naman sa alanganin ang kaunaunahang play-for-pay (teka hindi ba "pay-for-play" o kaya'y "play-and-get-fined"; ahh whatevs!) sa Asya.

Una, kelangang magpadala ng ating bansa ng isang malakas na koponan. Upang magtagumpay at paniguradong umalagwa tayo sa mas mahalagang tournament nang sa gayon mabuhay ang pag-asa nating makapaglaro sa Fiba World Cup sa 2019 na gaganapin sa Pilipinas China lagi nalang China. Kaya hayun, hindi ba't nagkandarapa ang PBA at SBP na isaayos yung concession ng pagpapahiram ng players para sa Gilas Pilipinas. Siyempre nag "da moves" din naman muna ang SBP sa pamamagitan ng kunyaring pagsabotahe sana ng huling PBA Rookie Draft kung saan pinagbidahan ng mga Gilas Cadets.

Pangalawa, ang biglaang pagbago ng schedule (yung dating April 23-30 eh gaganapin na dito sa May 15-21 ngayong taon) upang ma-accomodate daw ang paghahanda ng mga karatig bansa natin tulad ng Indonesia at siyempre para i-accomodate yung mga taga Asean Basketball League (ABL) na maglalaro din sa kani-kanilang National Teams.

Pero teka, may PBA din naman diba?
(Sa tonong Mike Enriquez: "Pasoook Jessa!")
...Bakit tinatanggap Ng puso't damdamin / Dating pag-ibig mo Ngayon di na akin / Nakita ko kayo / Huwag mo nang ilihim / Nakayakap ka pa sa kanya Naglalambing...

Pagkatapos nating pusuan ang bawat post ng FIBA sa social media eh ganito nalang ba, ha FIBA? Napakalaking sakripisyo na ang ginawa ng PBA para magpahiram ng mga players para sa National Team! My gas, FIBA, bakit n'yo sila ginaganernnn! (*wink*wink) Pano nalang ang kapakanan ng PBA? Masasagasaan ang susunod na conference! Pano nalang ang gate receipts! Sino pa manonood n'yan?!? Pano nalang ang mga... fine!

Actually, okay din 'tong FIBA. Sinusubaybayan nga nila ang mga pangyayari sa ating pambansang koponan at ang self-proclaimed #LigaNgMgaBida, ohyeah! At this point, FIBA wants to see how the PBA once again would self-destruct react. Hmmm, hindi kaya may nagbulong sa kanila na gawin 'to? Hmmm (uli), sino?

Most Gilas fans have been very critical about how the PBA handles this Gilas portion of their basketball operations. True, for most countries their professional leagues would take every single opportunity to ride on this rare chance of getting ample mileage via international exposures such as the mandatory FIBA tournaments.


Hence Twitter posts such as this, from no less than a FIBA contributor Enzo Flojo (@hoopnut) resonates, perhaps, what most Gilas fans have in mind and heart:




And of course the reactions are just, gold:


Ngayon mga ka-fans, Seaba ang dahilan?

O, siya, na itago nalang natin sa pangalang Jessa?

...follow @labapilipinas on twitter for more sports laundering!

Comments

Popular posts from this blog

Interview with the Lobo

It's an historic game 7. And almost every party involved were asked for a word or two. They were saying bonuses not as important as the prestige of coming back from a 0-3 quagmire. The other team saying they've never been motivated to finish off what they have started. But one thing for sure is left in the dark. Literally all by their lonesome at the rafters.

Easy, Easy.

I'm not sure a lot would remember Lionel Richie's classic song Easy and its opening line: Know it sounds funny But I just can't stand the pain... 

SANA Ma Beach!

Mas mabuti yatang tumigil nalang sa pagsuporta sa koponan ng bayan. Mas mainam yata na manisi nalang. Mangutya nang lubus-lubusan. Mang-asar at sabihing mali sila. Tanga si Coach Tab at tinanggal si Abueva. Dapat pinaglaro si ganito. Dapat ginawa yung ganyang play. Dapat tinira na ni Chan, bakit pinasa pa. Dapat sa ilalim lang si Blatche. Dapat hindi si Blatche yung naturalized player natin. Sana hindi tayo yung first game kahapon. Sana nagpahiram yung ibang team noong Fiba Asia nung nakaraang taon. Sana pwede si Clarkson. Sana nanalo tayo sa France. Sana hindi nalang natin ni-boo yung Haka ng Tall Blacks (malas daw kasi na i-boo). Sana nilakasan pa natin yung sigaw. Sana hindi lang "De-fense...De-fense" yung alam nating i-chant. Sana hindi nalang tayo naging fans. Sana'y pag-ibig nalang ang isipin... (Teka, anong linya 'to?)