Skip to main content

Wapaaak!


Hello there mga ka-fans! Sana medyo nakakapag move-on na din tayo sa masalimuot na #FIBAOQT na yan. Sa ngayon ba na-delete mo na yung walang kwentang Gilas app na yan? Eh yung official theme song na "Sabay Tayo"? Malamang, 'matic, tanggal na din sa playlist! Hindi mo na rin pinanuod yung huling kabanata ng #KuwentongGilas. Kung sakali parang binudburan mo lang ng asin o pinigaan ng kalamansi ang sariwa pang mga sugat.

Wapaaak!

Lalu lang masakit. Hanggang sa susunod na kabanata na uli ng Gilas Pilipinas nating mahal. Medyo iba na nga lang siste ng torneyo. Parang kung pano naglalaro ang Azkals eh ganun na din yata ang takbo ng mga laro ng Gilas natin. Ang tanong eh, makakabuo pa kaya tayo ng malakas na team?

Wapaaak!

Yan ay kung magiging maganda ang pag-uusap ng dalawang panig na kinabibilangan ng PBA at siyempre ng SBP. Kaso kung hindi nga tayo makapagpadala nitong huli ng malakas na lineup para sa #FIBAAsiaU18 eh pano pa kaya mamanduhan ng SBP ang PBA? Sa mga colleges and universities palang eh wala na yatang pangil ang ating tinaguriang basketball federation ng bansa. Nakakaawang panoorin ang ating mga Batang Gilas na ngayo'y kaya nang talunin ng Thailand! Hala, ano't ang sigla na ng basketball sa bansa tapos pagdating sa mga ganitong tournament balik na naman tayo sa simula?

Wapaaak!

Of course the PBA is finally back. And you know what, maganda ang mga laro so far! Dikitan. Back-to-back OT nung nakaraang #PBASuperballSunday! And would you believe na Mahindra Enforcer ang league leader so far! Ang swerte naman ni Senator-Coach Manny Pacquiao. Wag na po kayo mag-boksing! Dalasan n'yo nalang ang punta sa games. Sakto yan, pagkatapos ng trabaho sa senado, takbo naman sa PBA! Parang mas gusto pa yata ng mga Pilipino na makita kang makapag-perfect attendance kesa umakyat uli sa boxing ring!

Wapaaak!

Balik sa PBA, aba eh na-sample-an agad ng suspension si Abueva. Aba'y kakabalik lang ng The Beast ah (sabik siyempre ang marami pagkatapos nung epic Gilas omission niya). Ang mas nakakapagtaka nga lang diyan eh, yung delayed reaction na naman ng liga. Siyempre dapat yung ref na-address na agad yun. Tas eto pa yung kay Asi. Okay din sa timing ano. Nauna pa yung mala-Cherrie Gil niya na sampal kay Semerad kesa sa lambing ng siko ni Calvin kay Ellis. Aba'y pagkalipas pa yata ng 3,674 days bago si Taulava sinita at pinatawan ng suspension and fine. Fine! Akalain mo nga naman, sumakto pa kung kelan may laro ang NLEX at Ginebra! Ayun olats tuloy ang Road Warriors. Well, hindi rin naman guarantee na mananalo siguro sila kung naglaro si Asi, noh? Pero ang mas sigurado diyan eh, kailangan manalo ng Barangay! (Baka mamaya lalu pang langawin ang PBA venues pag laglag na agad ang Gins, diba?)

Wapaaak!

Teka may Jones Cup nga pala ano! Medyo nabalot lang ng pagkagulat at pagkalito kasi ba naman #TeamPilipinas tas pito (opo, 7 – totoo – s e v e n) ang import ng team Mighty Meaty. Teka, Mighty Kid. Wait, basta may Mighty! Yown, Mighty Cojuangco-Jaworski! (Ang corny, juice colored, stop this violence!)

Wapaaak!

O siya, nangangamusta lang naman. Sana nasa mabuti kayong kalagayan. At nawa'y payapa't ligtas, saan man sa mundo!


...follow @labapilipinas on twitter for more sports laundering!

Comments

Popular posts from this blog

Interview with the Lobo

It's an historic game 7. And almost every party involved were asked for a word or two. They were saying bonuses not as important as the prestige of coming back from a 0-3 quagmire. The other team saying they've never been motivated to finish off what they have started. But one thing for sure is left in the dark. Literally all by their lonesome at the rafters.

Easy, Easy.

I'm not sure a lot would remember Lionel Richie's classic song Easy and its opening line: Know it sounds funny But I just can't stand the pain... 

SANA Ma Beach!

Mas mabuti yatang tumigil nalang sa pagsuporta sa koponan ng bayan. Mas mainam yata na manisi nalang. Mangutya nang lubus-lubusan. Mang-asar at sabihing mali sila. Tanga si Coach Tab at tinanggal si Abueva. Dapat pinaglaro si ganito. Dapat ginawa yung ganyang play. Dapat tinira na ni Chan, bakit pinasa pa. Dapat sa ilalim lang si Blatche. Dapat hindi si Blatche yung naturalized player natin. Sana hindi tayo yung first game kahapon. Sana nagpahiram yung ibang team noong Fiba Asia nung nakaraang taon. Sana pwede si Clarkson. Sana nanalo tayo sa France. Sana hindi nalang natin ni-boo yung Haka ng Tall Blacks (malas daw kasi na i-boo). Sana nilakasan pa natin yung sigaw. Sana hindi lang "De-fense...De-fense" yung alam nating i-chant. Sana hindi nalang tayo naging fans. Sana'y pag-ibig nalang ang isipin... (Teka, anong linya 'to?)