Skip to main content

Relax Pilipinas, Ang Puso!


Ilang tulog o gising nalang (depende kung mas madalas kang gising o tulog), bakbakan na. Oops, hindi nina Baron Geisler at Kiko Matos (lalung-lalu hindi rin nina Snow at Dennis, okay?). Balik tayo sa Gilas. Ohyeah, umpisa na ng FIBA Olympic Qualifying Tournament! 

Kaso medyo may uminit ang mga ulo. Nalungkot. Nawalan agad ng gana. Nagdamdam. Natakot. Kinabahan. Nakatulog habang nanunood ng livestream sa madaling araw. 

Relax. 

Tinambakan kasi tayo ng Turkey. Kahindik-hindik na pagkatalo. Treinta y cinco lang naman. Pero siyempre, tune-up game lang yun. Taympers pa. Kaso medyo mataas kasi yung expectations nating mga fans pagkatapos ng magandang pinakita natin laban sa Iran kamakailan lang. Bagkus galing sila sa isang mabungang training camp sa bulubundukin ng Mick Pennisi, Greece. (Teka, parang may mali, i-tweet natin kay Carlo Pamintuan yung saktong lugar). 

Pero huwag mabahala. Unang-una, hindi FIBA Asia ang lalanguyin ng ating koponan. Ika nga, itong FIBA OQT na gaganapin sa bayan natin ay isang malaking delubyo na kailangang sagupain at languyin ng ating magigiting na manlalaro ng Gilas Pilipinas. Wait, eh dapat ngang ikabahala diba?

Sa aking pagmumunimuni natanto ko na hindi nga pala natin kailangang mag-panic. Sa halip dapat "picnic-mode" nalang tayo. Petiks lang mga ka-fans. Relax. Alam naman natin kung saan tayo lulugar diba. 

Pero pwedeng umasa? Ano 'to isa na namang uri ng parang kayo pero hindi talaga kayo? Ayan, napapa #HugotPaMore ka na naman. Ganyang nga naman talaga pag nagmamahal...para sa bayan! Charrr... Gutom lang 'yan.

Wait... Bakit parang isinusuko na natin ang bandila ng Pilipinas? Norway! Este, no way! Tayo pa naman ang host. Bakit hindi nalang natin ilipat ng mga hotel yung mga nasa group natin. Yung tipong aabutin sila ng siyam-siyam bago makarating sa Mall of Asia Arena. Padaanin din sila sa EDSA katulad ng dinaranas ng marami sa ating mga kababayan sa kalakhang Maynila! Pasakayin ng MRT. Sindakin sa mala-theme park ride na hindi mo alam kung titirik nga ba o hindi. Palakarin sa riles nito hanggang makarating sa EDSA-Taft station tas paglakarin uli hanggang MOA Arena (siyempre trapik pa din eh).

Pero hindi kasi sa China ang venue ngayon. (Uuy, bitter pa rin, move on na, men!) We're such a gracious host na tipong ibibigay natin yung ating kwarto sa mga bisita at tayo ang hihiga sa sala.

So let's face it. Kung suswertehin aba'y pukpukin at daanin sa sipag at tiyaga (you got it, Manny Villar!). Kung hindi talaga kaya (at sana naman kayanin, please) eh wala tayong magagawa. Pawang malalakas di-hamak ang mga banyagang koponan katulad ng pagtatapat natin ng huli sa mga higante ng Turkey (swerte nila hindi uso sa Pilipinas ang paggunita ng Thanksgiving).

Sa halip, ano ang pwede nating gawin mga ka-fans. Enjoy! Ihanda ang ticket. Kontakin ang mga suking scalpers dun sa mga wala pa rin tulad ko (teka, may pasok na si anak eh, pang-hapon pa). Patabain pa ang mga kakataying baboy o manok. Magpalamig na ng inumin. Bumili ng bagong led TV (pwede na kahit hulugan). Wala na munang Dolce Amore o kung ano pa mang teleserye sa mga gabi ng OQT.

Basta, relax. Relax. Breathe in. Breathe out. Calma lang, Hector!

Huwag kang matakot (pasok, E-heads!). Ang Puso!?! Manood nalang tayo at mag-enjoy. Ibuhos ang suporta. Bahala na si Batman!

... follow @labapilipinas on twitter for more sports laundering!

Comments

Popular posts from this blog

Interview with the Lobo

It's an historic game 7. And almost every party involved were asked for a word or two. They were saying bonuses not as important as the prestige of coming back from a 0-3 quagmire. The other team saying they've never been motivated to finish off what they have started. But one thing for sure is left in the dark. Literally all by their lonesome at the rafters.

Easy, Easy.

I'm not sure a lot would remember Lionel Richie's classic song Easy and its opening line: Know it sounds funny But I just can't stand the pain... 

SANA Ma Beach!

Mas mabuti yatang tumigil nalang sa pagsuporta sa koponan ng bayan. Mas mainam yata na manisi nalang. Mangutya nang lubus-lubusan. Mang-asar at sabihing mali sila. Tanga si Coach Tab at tinanggal si Abueva. Dapat pinaglaro si ganito. Dapat ginawa yung ganyang play. Dapat tinira na ni Chan, bakit pinasa pa. Dapat sa ilalim lang si Blatche. Dapat hindi si Blatche yung naturalized player natin. Sana hindi tayo yung first game kahapon. Sana nagpahiram yung ibang team noong Fiba Asia nung nakaraang taon. Sana pwede si Clarkson. Sana nanalo tayo sa France. Sana hindi nalang natin ni-boo yung Haka ng Tall Blacks (malas daw kasi na i-boo). Sana nilakasan pa natin yung sigaw. Sana hindi lang "De-fense...De-fense" yung alam nating i-chant. Sana hindi nalang tayo naging fans. Sana'y pag-ibig nalang ang isipin... (Teka, anong linya 'to?)