Arwind Santos never hesitated when PBA Season 41 rookies Chris Newsome and Mo Tautuaa asked him to pose for a picture—although in two separate occasions. Well, Arwind is a veteran, league MVP and a champion-slash-singer-slash-composer and other what-have-you slashes this guy is capable of. Very talented and when you see someone like him, siyempre papa-picture ka agad-agad!
Kaso medyo ibang kodakan yung nangyari lately. And the spiderman was seen posing in some very awkward manner. Kamakailan dinakdakan siya nung Newsome. Then earlier eh eto namang si Tautuaa. These rookies are known for being aggressive and will never hesitate to go strong to the basket. Kahit naman si Arwind diba? Malakas din mag-dunk with his patented dunk-sabay-tapboard-using-his-feet.
Pero in both occasions Arwind was quick to invoke the "Hilaw" principle, which is found in the Bill of Rights of Palusot (BOROP), article 2, section 9. When Newsome dunked on him last October 28, he told the reporters during post-game interview:
"Kasi 'yung talon ko kanina challenge lang na parang hilaw talaga dahil kala ko layup lang." (via GMA Network story here)
And then on December 12 he quickly pulled out article 2 section 9 from the revised BOROP once again saying:
Favorite n'ya talaga yung hilaw!“Yung challenge kanina hilaw 'yon...” (see Spin.ph article here)
May punto nga naman siya, kaso medyo napa-kwento pa siya eh. Kaya kung itutuloy mo yung mga nabanggit at naisulat sa media eh eto pa:
“Sa lahat pa ng mga dumakdak sakin kung titignan mo, hindi siya challenge na talagang ba-block-in ko. Kasi kung ba-blocki-n ko yun, hindi makaka-dunk sa akin ‘yun.” (via the Spin article)
Bigla yatang lumakas ang hangin. Aaah, naalala mo tuloy 'tong debut single niya:
Medyo naiintriga tayo dun sa "Kasi kung ba-block-in ko yun, hindi makaka-dunk sa akin ‘yun."
Parang yung lolo mo lang na kung bumanat ay: "Pag dating mo dito, andito ka na!"
Samantalang sabay sagot naman ng mga paboritong kataga ng lola mo sa mga pangungusap ni Arwind: "Aba, kung gusto, may paraan hijo!"
Well, ang kagandahan lang dito eh, kahit binabastos siya nung mga kids, eh maganda naman nagiging tugon ng laro ni Arwind, at higit sa lahat, panalo yung team niyang San Miguel Beermen.
...follow @labapilipinas on twitter for some sports laundering!
Comments
Post a Comment